Biyernes, Marso 17, 2017

Online Journalism

Marso 17, 2017- Ginanap sa PUP Theatre ang Seminar tungkol sa Online Journalism. Ito ay may pamagat na Fact-Checking and Truth-Finding: The Role of Humanities in the Digital World. Ang Seminar ay nagsimula ng alas-2 hanggang alas-5 ng hapon. Tatlo ang naging guests speakers sa seminar, ito ay dinaluhan ng Journalism Faculty at Students.
(Nasa litrato: Ms. Maria Ressa, CEO ng Rappler)

Biyernes, Marso 10, 2017

Paalam Nanay

Marso 10, 2017- Natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay si Miguela Solis. Mag-aalas-diyes ng umaga ng matagpuan siyang wala ng buhay ng kanyang mga anak. Si Miguela ay 72 taong gulang, mayroon siyang Alzheimer's Disease, wala na siyang ibang sakit bukod rito. Ayon sa pahayag ng kanyang mga anak, pakakainin dapat nila ang kanilang ina ng malaman nilang hindi na ito humihinga. 
(Nasa Litrato: Miguela Solis- Ang aking Butihing Lola)

Biyernes, Marso 3, 2017

Ash Wednesday

Marso 1, 2017- Ginanap ang Ash Wednesday sa buong panig ng mundo. Ito ay ang paglalagay ng abo na antanda ng krus sa noo ng mga nananampalataya bilang tanda ng pagsisi. Ang abo ay nagmula sa sinunog na mga palaspas sa nakaraang Linggo ng Palaspas.