Biyernes, Marso 17, 2017

Online Journalism

Marso 17, 2017- Ginanap sa PUP Theatre ang Seminar tungkol sa Online Journalism. Ito ay may pamagat na Fact-Checking and Truth-Finding: The Role of Humanities in the Digital World. Ang Seminar ay nagsimula ng alas-2 hanggang alas-5 ng hapon. Tatlo ang naging guests speakers sa seminar, ito ay dinaluhan ng Journalism Faculty at Students.
(Nasa litrato: Ms. Maria Ressa, CEO ng Rappler)

Biyernes, Marso 10, 2017

Paalam Nanay

Marso 10, 2017- Natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay si Miguela Solis. Mag-aalas-diyes ng umaga ng matagpuan siyang wala ng buhay ng kanyang mga anak. Si Miguela ay 72 taong gulang, mayroon siyang Alzheimer's Disease, wala na siyang ibang sakit bukod rito. Ayon sa pahayag ng kanyang mga anak, pakakainin dapat nila ang kanilang ina ng malaman nilang hindi na ito humihinga. 
(Nasa Litrato: Miguela Solis- Ang aking Butihing Lola)

Biyernes, Marso 3, 2017

Ash Wednesday

Marso 1, 2017- Ginanap ang Ash Wednesday sa buong panig ng mundo. Ito ay ang paglalagay ng abo na antanda ng krus sa noo ng mga nananampalataya bilang tanda ng pagsisi. Ang abo ay nagmula sa sinunog na mga palaspas sa nakaraang Linggo ng Palaspas.

Biyernes, Pebrero 24, 2017

Police-in-Training

Nagsasanay ang mga Criminology students ng Bestlink College of the Philippines, sa Novaliches, Quezon City para sa kanilang internship. Matatandaang noong Lunes, ika-20 ng Pebrero, naganap ang malagim na 'Tanay Tragedy' sa Rizal na ikinamatay ng 15 katao, 14 estudyante mula sa Bestlink, at ang driver ng bus na kanilang sinasakyan, ito ay matapos mawalan ng preno ng bus at bumangga sa poste.

Biyernes, Pebrero 17, 2017

Full Circle 3

Pebrero 17, 2017- Matagumpay na idinaos ang Full Circle 3 Concert sa PUP Gymnasium. Ito ay isinagawa, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng College of Arts and Letters. Ito ay puno ng pagtatanghal ng mga estudyante at mga guro ng nasabing kolehiyo.

Huwebes, Pebrero 9, 2017

Journ Fest!

Pebrero 8, 2017- Matagumpay na pinasimulan ang pagdiriwang ng Journalism Fest, ng College of Communication sa PUP Manila. Sa Manila Room, Hasmin Bldg., ginanap ang Grand Finals ng  Journalism's Next Top Model at The Voice of Journalism. 
Nasa litrato: (John Robert Bolledo, Kristle Anne Hilario)

Biyernes, Pebrero 3, 2017

Isang Pananampalataya

Dinagsa ng mga deboto ang Quiapo Church, sa Maynila ngayong unang biyernes ng buwan ng Pebrero. Mataimtim na nagdarasal at nakikinig sa salita ng Diyos ang mga deboto, habang nasa ilalim ng mainit na araw.

Biyernes, Enero 27, 2017

Kung Hei Fat Choi!

Maagang ipinagdiwang ng ating mga kababayan ang pagsalubong sa Chinese New Year. Marami ang nagpapakuha ng litrato kasama ang Fire Rooster sa Farmer's Market sa Cubao.


Biyernes, Enero 20, 2017

Viva Pit Señor

Enero 15, 2017- Ipinagdiwang ang Sinulog Festival o ang Pista ng Sto. Niño sa buong panig ng bansa. Ang Sinulog Festival ay nagsimula sa Cebu, kung saan pinaniniwalaang nagpakita ang Panginoong Hesus.

Biyernes, Enero 13, 2017

Gutom? Tara Kain Tayo!

Nagpapakain ng libreng almusal, tanghalian, at hapunan ang Duterte's Kitchen sa Cubao, Quezon City, para sa mga batang lansangan, at sa iba pang mga kapos sa buhay na walang makain. Ito ay ipinatupad ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).



Biyernes, Enero 6, 2017

Babalik ka rin


Tapos na naman ang Holiday Season, sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, marami ang mga pauwi na sa kani-kanilang mga probinsya.