Nagsasanay ang mga Criminology students ng Bestlink College of the Philippines, sa Novaliches, Quezon City para sa kanilang internship. Matatandaang noong Lunes, ika-20 ng Pebrero, naganap ang malagim na 'Tanay Tragedy' sa Rizal na ikinamatay ng 15 katao, 14 estudyante mula sa Bestlink, at ang driver ng bus na kanilang sinasakyan, ito ay matapos mawalan ng preno ng bus at bumangga sa poste.
Biyernes, Pebrero 24, 2017
Biyernes, Pebrero 17, 2017
Full Circle 3
Pebrero 17, 2017- Matagumpay na idinaos ang Full Circle 3 Concert sa PUP Gymnasium. Ito ay isinagawa, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng College of Arts and Letters. Ito ay puno ng pagtatanghal ng mga estudyante at mga guro ng nasabing kolehiyo.
Huwebes, Pebrero 9, 2017
Journ Fest!
Pebrero 8, 2017- Matagumpay na pinasimulan ang pagdiriwang ng Journalism Fest, ng College of Communication sa PUP Manila. Sa Manila Room, Hasmin Bldg., ginanap ang Grand Finals ng Journalism's Next Top Model at The Voice of Journalism.
Nasa litrato: (John Robert Bolledo, Kristle Anne Hilario)
Biyernes, Pebrero 3, 2017
Isang Pananampalataya
Dinagsa ng mga deboto ang Quiapo Church, sa Maynila ngayong unang biyernes ng buwan ng Pebrero. Mataimtim na nagdarasal at nakikinig sa salita ng Diyos ang mga deboto, habang nasa ilalim ng mainit na araw.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
