Huwebes, Disyembre 15, 2016

Kumukuti-kutitap na Tahanan

Papalapit na ngang tunay ang Pasko. Dinarayo ng mga tao ang tahanang ito na may bansag na "House of Santa Claus" sa Policarpio St., Brgy. New Zaniga sa Mandaluyong City. Puno ito ng mga dekorasyong pamasko, christmas lights at mga life-size na Santa Claus.

Biyernes, Disyembre 9, 2016

Himig ng Pasko

Disyembre 8, 2016- Nagtanghal ang Gloria Patri Singers Inc. ng mga Awiting Pasko sa Ground Floor ng Gateway Cubao.

Huwebes, Disyembre 1, 2016

Mangangalakal, nakapagpapa-aral

Bakal! Bote! Dyaryo kayo dyan!, iyan ang araw-araw na isinisigaw ng mamang ito, sa kanyang hanapbuhay na pangangalakal.  Pinagkakasiya niya ang kanyang kakarampot na kinikita sa bawat araw, upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.